Malakanyang handang harapin ang imbestigasyon ng Senado sa Marawi Rehabilitation
Naniniwala ang Malakanyang na pulitika ang motibo sa plano ng Senado na imbestigahan ang isinasagawang rehabilitasyon ng Marawi.
Ito’y matapos maghain ng resolusyon sa Senado si Senador Antonio Trillanes IV na humuhiling na imbestigahan ang Marawi rehabilitation dahil sa kabagalan at kawalan ng master plan.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na handa ang Malakanyang na harapin ang imbestigasyon ng Senado.
Ayon kay Roque, mali ang akusasyon ni Trillanes na walang master plan ang pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi.
Inihayag ni Roque binuo ng Malakanyang ang Task force Bangon Marawi na siyang nagkatag ng master plan at nangangasiwa sa rehabilitasyon.
Niliwanag ni Roque na sa hindi mabagal ang hakbang ng gobyerno dahil on schedule ang takbo ng rehabilitasyon ng Marawi.
Binigyan diin ni Roque na wala pang isang taon ay tinitirahan na ng mga taga marawi ang mga shelters na ipinatayo ng gobyerno at 70 percent ng mga readente ay nakabalik na sa kanilang lugar na sinira ng digmaan.
Ulat ni Vic Somintac