Malakanyang, handang putulin ang Diplomatic relation sa bansang Iceland
Nagpahayag ng kahandaan ang Malakanyang na outulin ang diplomatic relation ng Pilipinas sa Iceland.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salavador Panelo na kapag ang isang bansa ay nagpapahayag ng posisyon na makakasira sa kasarinlan ng Pilipinas dapat na putulin ang relasyong diplomatiko.
Ayon kay Panelo hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng Iceland sa paghahain ng resolusyon sa United Nations Human Rights Council na kinatigan ng 17 member countries na magsagawa ng inbestigasyon sa Pilipinas hinggil sa umanoy Extra Judicial Killings o EJK kaugnay ng war on drugs ng Duterte Administration.
Nilinaw ni Panelo na tanging si Pangulong Duterte bilang Chief Foreign Policy maker ang makapagdidesisyon kung kailangan ng putulin ang diplomatic relation ng Pilipinas at Iceland.
Ulat ni Vic Somintac