Malakanyang hands off sa bangayan nina out going Comm.Rowena Guanzon at Comm. Aimee Ferolino dahil sa disqualification case ni BBM
Ayaw makialam ng Malakanyang sa bangayan sa pagitan nina outgoing Commission on Elections o COMELEC Commissioner Rowena Guanzon at Commissioner Aimee Ferolino kaugnay ng disqualification case laban kay Presidential aspirant dating Senador Bongbong Marcos Jr.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na independent constitutional body ang COMELEC kaya hindi manghihimasok ang Malakanyang kung anuman ang problemang nagaganap.
Ayon kay Nograles, bahala ang COMELEC na resolbahin ang kanilang problema gamit ang kanilang internal rules at policy.
Inihayag ni Nograles naniniwala ang Malakanyang na kayang resolbahin ng COMELEC ang kanilang panloob na problema na hindi masasagkaan ang integridad ng poll body sa pangangasiwa ng halalan sa May 9 ng taong kasalukuyan.
Vic Somintac