Malakanyang, hands-off sa ibinunyag ni Senador Tito Sotto na dayaan noong 2016 elections

Hindi panghihimasukan ng Malakanyang ang lumutang na impormasyon na diumano nagkaroon ng dayaan noong 2016 elections batay sa expose ni Senador Tito Sotto III.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa kamay  ng Commission on Elections o Comelec ang kapangyarihan para mag-imbestiga.

Ayon kay Roque ang expose ni Senador Sotto ay hindi isang electoral protest kaya hindi apektado ang pagkapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ni Roque ang makikinabang sa expose ni Senador Sotto ang mga stake holders sa electoral protest sa Vice President at protesta ni dating MMDA Chairman Francis Tolention laban kay Senadora Leila de Lima.

Iginiit ni Roque na aantabayan ng Malakanyang ang resulta ng imbestigasyon ng Comelec at Senado dahil mahalagang malaman ang katotohanan sa sinasabing dayaan noong nakaraang halalan.

Suportado ng Malakanyang ang panawagang patawan ng parusa ang mapapatunayang sangkot sa dayaan sa eleksyon dahil ito ay pagnanakaw sa mandato ng taongbayan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *