Malakanyang, hindi aatasan ang Office of the Solicitor-General na maghain ng Quo-warranto petition laban kay SC Justice Sereno

Bahala ang Office of the Solicitor General kung papatulan ang suhestiyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maghain ng Qou warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Serreno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na labas ang Executive sa usapin sa kongreso at korte suprema dahil sa prinsipyo ng Separation of power.

Ayon kay Roque kung uubra ang Qou warranto laban kay Sereno walang magagawa ang Malakanyang kundi igalang ang desisyon ng Korte suprema.

Nais ni Alvarez na subukan ang Qou warranto bilang legal remedy upang mapabilis ang pagpapatalsik kay Sereno bilang punong mahistrado.

Naniniwala si Alvarez na lulusot ang Qou warranto dahil lahat ng mga justices ng Korte Suprema ay lumalabas na kontra kay Sereno.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *