Malakanyang hindi hahadlangan ang rally para kay Kian Lloyd delos Santos
Ipapatupad ng Philippine National Police ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng rally para kay Kian Lloyd delos Santos ang menor de edad na napatay sa isang police anti illegal drug operation sa Caloocan City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pagsasagawa ng kilos protesta ay karapatan ng bawat mamamayan na hindi hahadlangan ng pamahalaan.
Ayon kay Abella malinaw ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinahihintulutan ang pagsasagawa ng kilos protesta basta ito ay naaayon sa kaayusan na hindi nakakasagabal sa publiko at hindi lalabag sa umiiral na batas.
Inihayag ni Abella dapat makipag-coordinate ang mga organizer ng rally upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga lalahok sa kilos protesta.
Ulat ni:Vic Somintac