Malakanyang hindi masama ang loob sa hindi pagkakakumpirma ng CA sa mga last minute appointees ni Pangulong Duterte
Kinikilala ng Malakanyang ang kapangyarihan ng Commission on Appointments o CA na kumpirmahin o ibasura ang appointment ng mga opisyal ng pamahalaan na itinatalaga ng Pangulo ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na ang anumang hakbang ng CA ay pagtupad sa kanilang constitutional duty bilang bahagi ng check and balance sa mga sangay ng pamahalaan sa ilalim ng demokrasyang gobyerno.
Ginawa ni Andanar ang pahayag matapos hindi makumpirma ng CA ang apppointment nina Commission on Election o COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, Commissioner George Garcia, Commissioner Aime Torefranca Neri, Civil Service Commission Chairman Karlo Alexi Nograles at Commission on Audit Chairperson Rizalina Justol.
Hindi nakumpirma ang appointments ng mga nabanggit na presidential appointees sa huling session ng CA sa ilalim ng 18th congress dahil sa kawalan ng quorum.
Vic Somintac