Malakanyang hindi nababahala sa pagsadsad ng Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa SWS survey

Hindi natitinag ang Malakanyang sa pagbagsak ng net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na hindi nagtratrabaho si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng popularity.

Ayon kay Roque kung tutuusin, pinakamataas pa rin ang rating ni Pangulong Duterte sa parehong peryodo kumpara sa nakalipas na tatlong administrasyon nina dating Pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Noynoy Aquino.

Inihayag ni Roque patuloy na magtratrabaho ang Pangulo katulong ang gabinete para matupad ang mga plataporma ng administrasyon na nakabase sa paglaban sa kriminalidad, iligal na droga, korapsyon upang mapaangat ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Batay sa second quarter survey ng SWS na isinagawa noong June 27 hanggang June 30 nakapgtala ng positive 45 percent net satisfaction rating ang Pangulo kumpara sa positive 56 na naitala noong nakaraang taon.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *