Malakanyang hugas kamay sa kasong sedition na isinampa laban kay Vice President Robredo at ilang taga-oposisyon
Walang kinalaman ang Malakanyang sa kasong sedition na isinampa laban kay Vice President Leni Robredo at iba pa kaugnay ng viral video na “Ang Totoong Narcolist” ni alyas Bikoy na nagdadawit sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Duterte sa drug trade.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar kasunod ng isinampang kaso ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Department of Justice o DOJ laban sa Pangalawang Pangulo at ilang taga oposisyon.
Ayon kay Andanar walang anomang kamay ang Executive branch sa ginawang paghahain ng asuntong sedisyon ng CIDG gamit ang sworn statement ni Peter Advincula alias “Bikoy.”
Inihayag ng Kalihim na napakaraming trabahong inaatupag ng Pangulo gaya ng pagtutok sa korupisyon at iba pa kaysa panghimasukan pa nito ang iba pang mga bagay.
Binigyang diin ni Andanar na kaliwat kanan ang trabahong hinaharap ni Pangulong Duterte para sa kapakanan ng bansa.
Bukod sa sedition kasing cyber libel, estafa, harboring a criminal and obstruction of justice din ang kinakaharap ni VP Leni kasama ang mga opposition senators na sina Leila De Lima at Risa Hontiveros ganundin si ex Senator Antonio Trillanes habang kasama rin sa mga respondents ang iba pang kumandidatong senador sa line up ng Otso diretso.
Ulat ni Vic Somintac