Malakanyang humingi ng pang-unawa sa hindi pagpapakita ni Pangulong Duterte sa publiko
Nanawagan ng pang-unawa ang Malacañang sa hindi pagpapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko simula noong Lunes.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, sadyang labis ang pagkapagod ni Pangulong Duterte sa mga ginawang pag-iikot simula ng ipatupad ang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Abella, nasa maayos na kondisyon si Pangulong Duterte pero kailangan lang nitong magpahinga ng sapat na panahon.
Inihayag ni Abella na narito lamang sa Malacañang si Pangulong Duterte at nasa private time.
Iginiit din ni Abella na hindi na kailangan ang hirit ng mga mambabatas na magbigay ng regular updates sa kalusugan ni Pangulong Duterte dahil ginagawa na ito sa regular ng press briefing.
Ulat ni: Vic Somintac