Malakanyang idinipensa ang planong paglalabas ng narcolist kesa sa pagsasampa ng kaso sa mga pinaghihinalaang pulitiko na sangkot sa iligal na droga
Walang nakikitang mali ang Malakanyang sa plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na paglalabas sa narcolist ng mga kandidato midterm election.
Ito ay kasunod ng panawagan ng ilang Senador at mga kritiko na sa halip na ilabas ang nacolist ng mga politiko ay sampahan na lamang ang mga ito ng kaso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo hindi ganoon kadali ang pagsasampa ng kaso dahil kailangan pa nito ng documentary at testimonial evidence.
Ayon kay Panelo ang rason kung bakit ilalabas ang druglist ay upang magabayan ang mga botante kung anong klaseng kandidato ang kanilang iboboto.
Sa pangamba naman kaugnay sa takot na baka masira nito ang ‘presumption of innocence’ pwede naman umanong magsampa ng kasong libel ang kahit sinong indibidwal.
Niliwanag ni Panelo na bahala na ang PDEA at DILG kung itutuloy pa ba nito ang planong pagsasapubliko ng narcolist.
Ulat ni Vic Somintac