Malakanyang iginiit ang soberanya ng Pilipinas sa patuloy na panghihimasok ng China sa Bajo de Masinloc
Kinontra ng Malakanyang ang pinakabagong pahayag ng Chinese government na sakop ng kanilang teritoryo ang Bajo de Masinloc.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na iginigiit ng Pilipinas ang full sovereignty sa Bajo de Masinloc bilang bahagi ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag bilang sagot sa statement na inilabas ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin na dapat igalang ng Pilipinas ang soberanya ng China sa Bajo de Masinloc matapos ang panibagong engkwentro ng Philippine Coast Guard at Chinese Coastguard sa naturang lugar.
Magugunitang maraming beses ng nagpanagpo ang Chinese Coast Guard at Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc na kapwa nagpapatrolya sa pinag-aagawang teritoryo.
Vic Somintac