Malakanyang iginiit na hindi isinasara ang pintuan sa CPP-NPA-NDF sa Peace Process

Niliwanag ng Malakanyang na hindi isinasara ng Gobyerno ang pintuan sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army- National Democratic Front o CPP-NPA-NDF kaugnay ng isinusulong na usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza ang ipinagpaliban ng Gobyerno ay ang usapan sa June 28 na bunga ng back channel negotiation at hindi ang pormal na Peace negotiation.

Ayon kay Dureza kung tutuusin walang formal peace negotiation ang kinansela dahil wala namang formal peace negotiation sa kasalukuyan.

Inihayag ni Dureza na umaasa ang Gobyerno na maiintindihan ito ng CPP-NPA-NDF panel.

Binigyan diin ni Dureza na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa sandaling isulong ang formal peace negotiation sa mga rebeldeng kumunista ay wala ng malaking problema.

Idinagdag ni Dureza na nagdesisyon ang Pangulo na palawakin ang konsultasyon at isangkot ang publiko at pribadong sektor upang makuha ang pulso ng lahat sa ikapagtatamo ng pangmatagalang kapayapaan.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *