Malakanyang, iginiit na hindi sinisira ang Judicial Independence sa pagdedeklara ng giyera ni Pangulong Duterte laban kay Chief Justice Sereno
Nanindigan ang Malakanyang na walang batayan ang akusasyon ng Integrated Bar of the Philippines o IBP na sinisira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Judicial Independence dahil sa lantarang pakikipag-away na kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na hindi ang hudikatura bilang institusyon ang binabanatan ng Pangulo kundi isang tao lamang sa katauhan ni Chief Justice Sereno dahil ang Supreme ay hindi si Sereno lamang dahil ito ay isang collegial body na binubuo ng 15 miyembro.
Ayon kay Roque mula ng umpisa ay hindi nagbigay ng anumang pahayag ang Pangulo sa kaso ni Sereno subalit dumating sa puntong napuno na ang Chief Executive dahil sa patuloy na paratang ng punong mahistrado na malakanyang ang nasa likod ng Quo Warranto case at Impeachment case na kanyang kinakaharap.
Inihayag ni Roque mismong ang mga mahistrado na ang pumuwersa kay Sereno na mag-indefinite leave, tumestigo din ang limang mahistrado laban kay Sereno sa impeachment hearing ng House committee on Justice at maging ang Korte Suprema ay nagtakda na rin ng oral argument sa Quo Warranto case.
Ulat ni Vic Somintac
handa rin ang malakanyang na sagutin ang paratang ng ibp sa harap ng un special rapporteur kung magsasagawa ito ng inbestigasyon sa akusasyon ng mga grupo ng abogado na sinisira ng pangulo ang judicial indepence sa bansa.