Malakanyang ikinatuwa ang resulta ng SWS survey na 51 percent ng mga Filipino ay naniniwalang gaganda ang takbo ng ekonomiya sa bansa
Itinuturing ng Malakanyang na excellent ang resulta ng pinakahuling economic survey ng Social Weather Stations o SWS na nagsasabing 51 percent ng mga adult Filipino respondent ay naniniwalang gaganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Communications Secretary Martin Andanar na nagpapakita lamang ito na epektibo ang calibrated strategy ng pamahalaan sa pagluluwag ng mga Alert level restrictions kaugnay ng pagharap sa problema ng pandemya ng COVID-19.
Ayon kay Andanar dahil sa pagluluwag sa mga restriction unti-unting nabuksan ang mga nagsarang negosyo na nagbigay daan upang makabalik na sa trabaho ang mga manggagawa.
Inihayag ni Andanar, nararamdaman din ng publiko ang magandang hinaharap ng kabuhayan ng bansa matapos lagdaan ni Pangulong Rodrgo Duterte ang Execuive Order 166 na naglalaman ng Ten Point Economic Policy Agenda para tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac