Malakanyang, ikinatuwa ang resulta ng SWS survey na nagpapakitang bumaba ang bilang mga Filipino na nagsasabing mahirap sila
Welcome sa Malakanyang ang resulta ng Social Weather Stations o SWS survey na nagsasabing bumaba ang bilang ng Pilipinong nagsasabing hirap sila sa buhay.
Lumabas sa self-rated poverty survey ng SWS nitong Marso, nasa 38% ang nagsasabing mahirap sila, na mas mababa sa naitalang 50% noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Nagpasalamat ang Malakanyang sa lahat ng economic managers ng pangulo, kabilang na rin ang mga miyembro ng Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster, social welfare officers at barangay health workers sa pagpupursigi na maiangat ang buhay ng mga Pilipino.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang magandang resulta ang SWS survey dahil sa kabila ng umano’y political agenda ng mga kritiko at kaaway ng pangulo noong ginawa ang naturang survey ay nakita ng publiko ang magandang economic program ng administrasyon na naglalayong iangat ang buhay at pamumuhay ng mga mamayang pilipino.
Ayon kay Panelo nasa tamang landas ang mga hakbang ng gobyerno para labanan ang kahirapan sa bansa.
Inihayag ni Panelo target parin ng gobyerno na ibaba ang antas ng kahirapan sa 14% sa 2022, mula sa 21.6% noong 2015.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: