Malakanyang, ipinaliwanag sa publiko ang batayan ng paglalagay sa GCQ sa Metro Manila at iba pang lugar
Inisa-isa ng Malakanyang ang naging batayan ng pamahalaan kung bakit isinailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa kaugnay ng kaso ng Covid 19.
Sa briefing sa Malakanyang, ipinaliwanag ni Presidential spokesman Secretary Harry Roque ang basehan ng ginawang rekomendasyon ng Inter- Agency Task Force o IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya simula ngayong June 1 ay nasa GCQ na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ginawa ni Roque ang paliwanag dahil sa mga batikos na patuloy pa ring tumataas ang kaso ng Covid-19 lalo na sa Metro Manila kung bakit inilagay na sa GCQ.
Sinabi ni Roque, pangunahing pinagbatayan ng IATF sa rekomendasyong isailalim na sa GCQ ang Metro Manila at iba pang lugar ay ang Scientific at Health reason na bumababa na ang positivity rate ng Covid 19 case at mataas na rin ang Health system capacity ng DOH dahil malaki ang allowance ng bed capacity ng mga hospital, mechanical ventilators at isolation bed capacity bukod sa economic consideration matapos ang mahabang Enhanced Community Quarantine.
Muling umapela sa Roque sa publiko na mahigpit na sundin ang mga ipinaturupad na Health standard protocols tulad ng Social distancing, compulsary na pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay.
Ulat ni Vic Somintac