Malakanyang ipinauubaya sa Department of Agriculture ang pagpapatupad ng mga kaukulang aksyon sa pagpasok sa bansa ng African Swine Fever
Tiwala ang Malakanyang na ginagawa na ng Department of Agriculture ang lahat ng paraan para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa pagkain ng karne ng baboy.
Sa harap ito ng pagiging positibo sa African Swine Fever sa ilang sampol ng karne ng baboy mula sa lalawigan ng rizal batay sa resulta ng isinagawang laboratory test sa ibang bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa mabuting hintayin na muna ang ilalabas na paalala o advisory ng Department of Agriculture hinggil sa problema sa African Swine Fever.
Aminado si Panelo na ang pinaka resonableng dapat gawin ay iwasan munang kumain ng karne ng baboy habang inaantabayan ang advisory ng Department of Agriculture at Department of Health.
Naniniwala si Panelo na hindi ilalagay ng Department of Agriculture sa masamang posisyon ang kalusugan ng publiko hinggil sa kinatatakutang African Swine Fever.
Ayon kay Panelo hindi narin kailangang maglabas pa ng direktiba ang Malakanyang dahil ginagawa ng mga kinauuklang ahensiya ng pamahalaan angbkanilang trabaho para maprotektahan ang mga consumers sa African Swine Fever.
Patunay din na ligtas na kainin ang karne ng baboy dahil ginawang boodle fight ng ilang opisyal ng Department of Agriculture sa pangunguna ni Secretary William Dar at Health Secretary Francisco Duque.
Ulat ni Vic Somintac