Malakanyang, itinangging may kinalaman sa Quo Warranto petition na isinampa ng Office of the Solicitor Genaral laban sa ABS-CBN
Pinabulaanan ng Malakanyang na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasampa ng Quo Warranto petition sa Korte Suprema ni Solicitor General Jose Calida para ipawalang bisa ang prangkisa ng ABS CBN network.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sariling inisyatiba ni Calida ang ginawang pagsasampa ng Quo Warranto petition laban sa ABS CBN.
Ayon kay Panelo hindi umano ugali ni Pangulong Duterte na pakialaman ang trabaho ng Office of the Solicitor General (OSG) dahil mayroong itong sariling mandato sa ilalim ng batas.
Inihayag ni Panelo na bahala ang mga mahistrado ng Korte Suprema na magdesisyon sa qou warranto petition ng Solicitor General.
Magugunitang naging vocal si Pangulong Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS CBN sa Kongreso matapos itong magpaso sa Marso ng taong kasalukuyan.
Ulat ni Vic Somintac