Malakanyang kinumpirmang nakipagpulong si Pang. Duterte sa mga senador pero hindi pinag-usapan ang re-investigation ng Senado sa DDS
Mariing itinanggi ng Malakanyang ang akusasyon ni Senadora Leila de Lima na pini-pressure ni Pangulong Duterte ang mga senador na huwag ng buksan ang imbestigasyon sa isyu ng Davao Death Squad.
Inamin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na pinulong ni Pangulong Duterte ang mga Senador noong Martes ng gabi sa Malakanyang.
Ayon kay Abella hindi tinalakay ng Pangulo sa mga kaalyadong Senador ang pagbaligtad ni Rretied Police Officer 3 Arthur Lascańas at idinidiin si Pangulong Duterte sa umanoy ExtraJudicial Killings sa Davao na kagagawan ng Davao Death Squad o DDS.
Hindi naman idinetalye ni Abella kung ano ang naging Agenda ng pakikipagpulong ng Pangulo sa mga kaalyadong Senador.
Batay sa report muling bubuksan ng Senado ang imbestigasyon sa isyu ng DDS dahil sa pagbaligtad ni SPO3 Lascańas at direktang itinuturo si Pangulong Duterte na utak ng mga Extra Judicial Killings sa Davao City noong siya pa ang alkalde ng lungsod.
Ulat ni: Vic Somintac