Malakanyang magdodoble kayod para agapan ang epekto ng pagtaas ng inflation rate sa bansa
Nakatutok ang mga economic managers ng pamahalaan para bawasan ang epekto ng pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Communications Secretary Martin Andanar na magdodoble kayod ang econonic team ng administrasyon upang harapin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ayon kay Andanar ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa ay epekto ng pag-alagwa ng halaga ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan dulot ang gulong nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine ganundin ang epekto ng pandemya ng COVID -19 na nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya ng ibat-ibang mga bansa sa buong mundo.
Batay sa report na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP pumalo sa 4 percent ang inflation rate sa bansa noong Marso ng taong kasalukuyan.
Vic Somintac