Malakanyang magdodoble kayod para makumbinsi ang publiko sa ChaCha at Federalismo
Magtratrabaho ng husto ang Malakanayang para magpaliwanag sa taongbayan ang isinusulong na Charter Change o Chacha para mapalitan ang sistema ng gobyerno mula Presidential unitary patungong Federal system.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque magiging basehan ang resulta ng pinakahuling pulse asia survey ukol sa Chacha at Federalismo.
Batay sa Pulse Asia Survey lumilitaw na 69 percent ng mga respondent ay maliit lamang ang kaalaman sa Chacha at Federalismo, 55 percent ang narinig na ang isyu, 18 percent ang pabor sa Chacha at 28 percent ang pabor sa Federalismo.
Nakabinbin ngayon sa Kongreso ang draft ng Federal Constitution na binuo ng Consultative Committee na pinamumunuan ni Retired Supreme Chief Justice Renato Puno.
Ulat ni Vic Somintac