Malakanyang maglalabas ng security measures upang mapigilan ang pagpasok ng African Swine fever sa bansa
Inatasan ng Malakanyang ang Department of Agriculture o DA na magpalabas ng bio-security measures upang matiyak na hindi makakapasok ang African Swine fever sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan makipag-pulong na ang DA sa mga hog raisers upang maplansta at mailatag na ang guidelines nang naturang bio-security measures.
Ayon kay Cayanan plano din nilang konsultahin ang iba pang stakeholders upang maayos ang pagpapatupad ng bio-security measures.
Inihayag ni Cayanan na layunin ng hakbang na maprotektahan ang 200 billion pesos na meat industry na siguradong malulugmok oras na makapasok sa bansa ang naturang sakit.
Aminado ang DA na nakakaalarma ang mabilis na pagkalat ng sakit sa ibat-ibang lugar sa mundo kung saan sa ngayon ay aabot na sa 16 na bansa ang mayroong naitalang kaso ng African Swine fever.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: