Malakanyang maglalagay ng 10 libong vaccination sites at 50 libong vaccinators sa isasagawang tatlong araw na anti COVID-19 nationwide vaccination program
Aabot sa 10 libong vaccination sites at 50 libong vaccinators ang itatalaga ng Malakanyang sa isasagawang 3 araw na anti COVID-19 mass vaccination program na magsisimula sa November 29 hanggang December 1 ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni National Task Force o NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na gagamitin ang lahat ng resources ng pamahalaan katulong ang mga pribadong sektor para isagawa ang 3 araw na mass vaccination laban sa COVID-19.
Inihayag ni Galvez makakatulong ng pamahalaan sa binabanggit na programa ang buong puwersa ng militar at pulisya kasama ang ibat-ibang private organization at religious groups.
Ayon kay Galvez target ng pamahalaan na mabakunahan sa 3 araw na anti COVID-19 mass vaccination ang 15 milyong indibiduwal.
Binanggit ni Galvez na gagamiting vaccination sites ang mga public schools at malls sa buong bansa.
Vic Somintac