Malakanyang, magsasagawa ng sariling imbestigasyon sa mga kapalpakan sa Sea games
Magsasagawa ng sariling inbestigasyon ang Office of the President sa mga naglalabasang aberya sa hosting ng Pilipinas sa Southeast Asian Games.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na aalamin ng Malakanyang kung nagkaroon ng korapsyon sa pondo ng SEA Games kaya naglutangan ang mga problema.
Ayon kay Panelo hindi palalagpasin ng Pangulo ang anumang uri ng korapsyon sa pamahalaan.
Inihayag ni Panelo pananagutin ng Malakanyang ang sinumang mapapatunayang gumawa ng problema.
Binigyang-diin ni Panelo na welcome sa Malakanyang ang gagawing inbestigasyon ng Senado sa kapalpakan ng organizing commmitee ng SEA Games.
Niliwanag ni Panelo na nakataya ang karangalan ng bansa sa pagiging host ng Pilipinad sa 30th SEA Games.
Ulat ni Vic Somintac