Malakanyang: Mahigit 24 milyong kabilang sa Sectoral priorities, unang makikinabang sa anti-covid-19 vaccine
Niliwanag ng Malakanyang na ang unang makikinabang sa bibilhing bakuna laban sa COVID 19 ay ang mga kabilang sa Sectoral priorities. Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa kanyang virtual press briefing sa Malakanyang na batay sa desisyon ng Inter Agency Task Force o IATF ang mga kabilang sa sectoral priorities ay mga Medical Health Frontiners mula sa National hanggang sa mga Barangay, Indigent Senior Citizens, remaining senior citizens, remaining Indigent Population at mga Uniformed Personnel na kinabibilangan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Ayon kay Roque ang kabuuang bilang ng mga nasa sectoral priorities ay nasa 24,668,128. Inihayag ni Roque isusunod na bibigyan ng bakuna ay batay sa geographical priorities na may mataas na kaso ng COVID 19 na kinabibilangan ng Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao. Vic Somintac
Please follow and like us: