Malakanyang, nagbabala na kakasuhan ang mga nagmamanipula sa presyo ng karneng baboy
“Economic sabotage” ang isasampang kaso sa mga tiwaling negosyanteng nagmamanipula sa presyo ng karneng baboy.
Ito ang naging babala ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles matapos pagtibayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng Task Group na tutugis sa mga profiteer, hoarders at smugglers ng mga Agricultural product.
Ang Task Group on Economic Intelligence ay binubuo ng mga sumusunod na ahensya:
- Department of Agriculture (DA)
- Department of Trade and Industry (DTI)
- Department of Justice (DOJ)
- Department of Interior and Local Government (DILG)
- National Bureau of Investigation (NBI)
- Philippine National Police (PNP)
- Bureau of Customs (BOC)
- Philippine Competition Commission (PCC)
- National Security Council (NSC)
- at National Intelligence Coordinating Agency (NICA)
Sinabi pa ni Nograles, na ang farm gate price ng karneng baboy kada kilo sa Region 8 ay nasa 139 piso lamang at ang pinakamataas naman sa ibang bahagi ng Luzon ay nasa 210 piso.
Kaya nakapagtataka aniya kung bakit sobrang taas ang presyo sa retail.
Simula bukas, February 8 ay ipatutupad na ang price ceiling sa presyo ng karneng baboy at manok sa Metro Manila.