Malakanyang nagbabala sa mga militanteng grupo na magsasagawa ng kilos protesta sa ika-45 anibersaryo ng Martial Law sa September 21

Bagaman maluwag si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga militanteng grupo na magsasagawa ng malaking kilos protesta sa ika-45 anibersaryo ng Martial Law

Nagbabala ang Malakanyang na dapat itong ilagay sa lugar.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Mindanao hour sa Malakanyang na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na gawing holiday ang isasagawang kilos protesta.

Ayon kay Lorenzana kailangang naaayon sa batas ang gagawing kilos protesta sa September 21 na sinasabing isasabay din ang pagkondena sa nagaganap na extra judicial killings sa bansa kaugnay ng all out war laban sa ilegal na droga ng Duterte administration.

Inihayag ni Lorenzana na baka nakakalimutan ng mga militante na umiiral pa rin sa buong bansa ang state of lawlessness at national emergency na idineklara ng Pangulo noong September 5, 2016 kasunod ng madugong night market bombing sa Davao City.

Niliwanag ni Secretary Lorenzana na hindi papayag ang pamahalaan na magkaroon ng kaguluhan sa bansa sa panahon ng malawakang kilos protesta sa anibersaryo ng Martial Law na maaaring samantalahin ng mga kalaban ng pamahalaan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *