Malakanyang, nagbigay ng simpleng reaksiyon sa pagtakbo ni VP Robredo sa pagka-Pangulo sa 2022 Elections
Simpleng reaksiyon lamang ang ibinigay ng Malakanyang sa pagtakbo ni Vice-President Leni Robredo bilang standard bearer ng Liberal Party sa 2022 Presidential elections.
Sa regular press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na karapatan ng bawat kuwalipikadong Filipino na nagnanais maglingkod sa bayan na maghain ng Certificate of Candidacy tulad ni VP Robredo na nagnanais maging Pangulo ng bansa.
Magugunitang sa mga nakalipas na talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang mga public engagement ay tahasang sinabi na hindi kuwalipikado si Robredo na maging Presidente.
Hindi rin naging maganda ang relasyon nina Pangulong Duterte at Vice President Robredo dahil sa magkaibang pananaw at prinsipyo sa pamamalakad ng gobyerno.
Vic Somintac