Malakanyang naghanda ng 1.7 bilyong pisong halaga ng food packs para sa mga maaapektuhan ng bagyong Ompong
All systems go na ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga lugar at residente na maaapektuhan ng bagyong Ompong.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na mayroong 1.7 bilyong pisong halaga ng food packs ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na naka pre-position sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong sa Northern Luzon.
Ayon kay Roque maging ang mga logistics na gagamitin sa Search and Rescue operations sa lupa dagat at himpapawid sa pamamagitan ng Office of Civil Defense o OCD na preparado na rin.
Inihayag ni Roque patuloy na umaasa ang pamahalaan sa pamagitan ng pagtutilungan ng mga nasa gobyerno at publiko ayababawasan ang pinsalang idudulot ng bagyong Ompong sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac