Malakanyang naghihintay din sa desisyon ng Korte Suprema sa Quo Warranto petition laban kay Chief Justice Sereno
Inaabangan ng Malakanyang ang desisyon ng Supreme Court en Banc sa Quo Warranto case na kinakaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang isyu ng Quo Warranto petition ay panloob na usapin ng Hudikatura.
Iginagalang ng Malakanyang ang Judicial independence bilang co-equal brach ng Ehekutibo.
Magugunitang may naunang pahayag si Pangulong Duterte na suportado niya ang Quo Warranto at Impeachment laban kay Chief Justice Sereno dahil sa patuloy na paratang ni Sereno na ang Chief Executive ang nasa likod ng hakbang na patalsikin sa puwesto si Sereno.
Ulat ni Vic Somintac