Malakanyang, naglaan ng 23 bilyong pisong ayuda sa mga naapektuhan ng ECQ sa NCR plus
Kinumpirma ni Budget Secretary Wendel Avisado na mayroong pondo na magagamit para ayudahan ang mga naapektuhan ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region o NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Sinabi ni Secretary Avisado, 23 bilyong piso ang inilaang pondo para bigyan ng ayuda ang mga nasa ECQ na nawawalan ng kita.
Ayon kay Avisado puwedeng idirekta na sa mga Local Government Units ang kanilang bahagi sa sandaling magbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte upang maipamudmud na sa kanilang mga nasasakupan.
Inihayag ni Avisado good for one week lamang ang inilaang pondo habang umiiral ang ECQ sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang April 4.
Hindi naman niliwanag ni Avisado kung magkano ang matatanggap ng mga mabibigyan ng ayuda dahil bahala na umano ang mga LGU’S.
Vic Somintac