Malakanyang naglabas ng direktiba na ilagay sa half mast ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan ng gobyerno para sa namatay na tropa ng pamahalaan sa Marawi City

half mask

Courtesy of Wikipedia.org

Inatasan ng Malakanyang ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan ng ilagay sa half mast ang bandila ng Pilipinas bilang pagluluksa sa pagkamatay ng mga tropa ng pamahalaan sa isinasagawang liberation ng Marawi City sa kamay ng mga teroristang Maute group.

Tatagal ng isang linggo ang paglalagay sa half mast sa bandila ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.

Ito ang direktiba ng Malakanyang bilang pakiki simpatya sa mga nasawing sundalo at mga sibilyan na resulta ng patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon sa Malakanyang, isang paraan ito ng pagbibigay respeto sa mga nasawing mga sundalo at pulis maging sa mga inosenteng sibilyan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *