Malakanyang, nagpaabot ng pagbati kay Maria Ressa ng Rappler sa pagkakapanalo ng Nobel Peace prize
Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang kay Rappler Chief Executive Officer o CEO Maria Ressa kaugnay ng iginawad sa kanya na Nobel Peace Prize.
Sa regular press briefing ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque inihayag ang pagbati kay Ressa na kauna- unahang Filipino na nakakuha ng prestihiyosong award.
Ayon kay Roque ay isang tagumpay para sa isang Filipina na makuha ang Nobel Peace Prize.
Sinabi ni Roque bagamat Nobel Peace Prize awardee si Ressa kailangan pa rin niyang linisin ang kaniyang pangalan dahil convicted siya sa kasong cyber libel.
Niliwanag ni Roque na sinasang-ayunan ng Malakanyang ang opinyon ni National Artist for Literature F. Sionel Jose na walang pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag sa Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration na pinagbatayan ng Norwegian Nobel Peace Prize committee ng pagbibigay ng award kay Maria Ressa dahil sa umano’y pagtatanggol sa press freedom sa bansa.
Vic Somintac