Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima ng lindol sa Leyte
Nagpaabot na ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na paglindol sa lalawigan ng Leyte at karatig lalawigan sa Visayas partikular sa mga namatayan at nasugatan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hindi pababayaan ng gobyerno ang mga residenteng tinamaan ng 6.5 magnitude na lindol.
Ayon kay Abella gagamitin ng Malakanyang ang buong resources ng pamahalaan para matulungan ang mga biktima.
Inihayag ni Abella na gagawin din ng gobyerno ang lahat ng paraan para maibalik sa normal sa lalong madaling panahon ang pamumuhay ng mga naapektuhan ng kalamidad.
Batay sa report dalawa na ang naiulat na namatay at mahigit apatnapu ang nasugatan.
Ulat ni: Vic Somintac