Malakanyang, nagpaalala sa mga kandidato at botante na bawal ang vote buying at vote selling ngayong nag-umpisa na ang pangangampanya ng mga lokal na kandidato
Pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga kandidato at botante na labag sa batas ang pamimili at pagbebenta ng boto.
Ginawa ng Palasyo ang babala ngayong opisyal ng nagsimula ang pangangampanya ng mga kumakandidato sa mga lokal na posisyon kaugnay ng isasagawang halalan sa Mayo.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Undersecretary Chris Ablan na ang vote buying at vote selling ay isang criminal act at may kaparusahang pangkabilanggo batay sa probisyon ng Omnibus Election Code.
Inihayag ni Ablan na malinaw ang posisyon ni Pangulong Rodrigo na nais niyang matiyak na magiging malinis ang isasagawang halalan sa bansa.
Kaugnay nito muling inulit ng Palasyo ang panawagan sa mga kandidato at publiko na panatilihing sumunod sa standard health protocol lalo na sa panahon ng kampanya dahil kasalukuyan paring nananalasa ang pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac