Malakanyang nagpahayag na rin ng pagkabahala sa nakaambang water shortage sa ilang bahagi ng bansa
Aminado ang Malakanyang na nakababahala na rin ang nararanasang water crisis sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas partikular na sa Metro Manila.
Sa Press Briefing sa Malakanyang tiniyak ni Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na gagawin ng gobyerno ang lahat para masolusyunan ang naturang problema.
Ayon kay Panelo isa umano sa mga posibleng gawin ng pamahalaan ay ang cloud seeding para magkaroon ng ulan.
Sinabi rin ni Panelo na titingnan nila kung nagkaroon ba ng tamang paghahanda ang mga ahensiya sa ganitong mga senaryo.
Samantala, nanawagan naman si Panelo sa mga kina-uukulan na pagbutihin ang pagpapalabas ng mga water advisories sa mga konsyumer upang makapaghanda sa pagkawala ng serbisyo ng tubig sa kanilang mga lugar.
Magugunitang batay sa monitoring ng PAGASA naitala ang pinakambabang lebel ng tubig sa La Mesa dam sa loob ng 12-taon at umabot na ito sa kritikal na libel na 69 meters.
Ang La Mesa dam ay isa sa mga major source ng tubig sa kabuuan ng Metro Manila.
Ulat ni Vic Somintac