Malakanyang nagpaliwanag na kung bakit kinansela ni Pangulong Duterte ang tradisyunal na Vin d’honneur kaugnay ng Independence Day celebration

alan1

Courtesy of Wikipedia.org

Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag celebrate sa pamamagitan ng pakikipag-toast sa mga miyembro ng diplomatic corps sa tradisyunal na Vin d’honneur.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na mabigat sa loob ni Pangulong Duterte na magsaya sa harapan ng diplomatic corps samantalang patuloy na namamatay ang mga sundalo sa Marawi City na kinubkob ng teroristang Maute group.

Ayon kay Cayetano mas gustong tutukan ng Pangulo ang military operations sa Marawi City na target ngayon ng militar na tuluyang mapalaya mula sa kamay ng mga teroristang Maute group.

Bagaman naitaas na ang bandila ng Pilipinas sa Lungsod ng Marawi ngayong independence day mayroon pa ring natitirang lugar ang hawak ng mga teroristang Maute group ang pinipilit ng militar na mabawi.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *