Malakanyang nagpaliwanag sa Arrest order ni Pangulong Duterte kay Customs Intelligence officer Jimmy Guban

Walang masamang layunin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng kautusan kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na arestuhin at dalhin sa National Bureau of Investigation (NBI) si Bureau of Customs Intelligence and Investigation service Jimmy Guban.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ang gustong mangyari ng Pangulo ay dalhin sa NBI si Guban para imbestigahan sa isyu ng illegal drug smuggling.

Ayon kay Panelo kung mayroong pending na arrest warrant si Guban doon lamang maaari itong arestuhin.

Inihayag ni Panelo na nagalit ng husto ang Pangulo kay Guban matapos itong magsalita sa inbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa shabu smuggling sa Customs.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *