Malakanyang nagpaliwanag sa komento ni Pangulong Duterte hinggil sa Judicial system sa France

Todo paliwanag ngayon ang Malacañang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa Judicial system sa France na kung saan  ikinukulong muna ang suspek hanggang mapatunayan nitong inosente siya.

Ang nasabing Justice system ay taliwas sa umiiral sa Pilipinas na ang isang akusado ay ituturing na inosente hanggat hindi napapatunayan sa hukuman sa pamamagitan ng due process.

Nag-ugat ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang galit kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard na isang French national.

Pumalag naman dito ang French Embassy  at iginiit na ang presumption of innocence until proven guilty ay nasa sentro ng French Judicial system base sa French Declaration of Human and Civic Rights noon pang August 26, 1789.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nais lamang bigyang-diin ni Pangulong Duterte na walang perpektong legal system sa mundo at magkakaiba ang kalagayan sa Western countries at sa Pilipinas.

Ayon kay Abella hindi pwedeng ipatupad o ipilit ang standard ng France sa sariling sitwasyon sa bansa na kakaiba o malayo sa kanila.

Iginiit din ni Abella na sa kabila ng pagkakaiba ng sitwasyon at Judicial system, parehas lamang ang Pilipinas at France sa paggalang sa karapatang pantao due process at pagpapahalaga ng presumption of innocence.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *