Malakanyang , nagpaliwanag sa paghirang ni Pangulong Duterte kay Secretary Carlito Galvez bilang Anti-COVID 19 Vaccine Czar
Inihayag ngayon ng Malakanyang ang dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit isang retiradong heneral ng militar ang pinili na maging anti COVID 19 vaccine czar sa halip na isang medical expert.
Sa virtual press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pangunahing criteria ng Pangulo ay ang managerial expertise dahil ang pagbili, pag-iimbak at distribusyon ng bakuna ay logistical challange at hindi medical challenge.
Ayon kay Roque bilang isang dating military general ay hindi matatawaran ang managerial expertise ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez lalo na sa synchronization at coordination ng mga logistical procedure.
Inihayag ni Roque ang importante ay masiguro ang procurement ng anti COVID 19 vaccine sa sandaling available na ito sa merkado, mailagay sa tamang storage facilities at maidistribute ng mabilis.
Niliwanag ni Roque pagdating sa execution at implementasyon ng pagbabakuna sa publiko ay pangungunahan na ito ng Department of Health kasama ang mga medical expert.
Vic Somintac