Malakanyang nagpaliwanag sa pagkakaantala ng pagpirma ni Pangulong Duterte sa 2022 National budget
Hindi pa tapos ng Office of the President na busisiin ang 2022 national budget na nagkakahalaga ng 5.024 trilyong piso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na kailangang suriing mabuti ng Malakanyang ang pinal na bersiyon ng National budget na pinagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil ginagamit ng Pangulo ang kanyang veto power sa mga probisyon na lumalabag sa saligang batas.
Ayon kay Nograles hindi pa natatapos ang review ng Office of the President sa National budget kaya ipinagpaliban ang pagpirma ng Pangulo na nakatakda ngayong araw December 28.
Inihayag ni Nograles sa sandaling matapos ang pagbusisi sa National budget agad itong lalagdaan ng Pangulo.
Vic Somintac