Malacañang nagparating na ng pakikiramay sa mga biktima ng malakas na lindol sa Mexico
Nagpaabot na ng pakikiramay ang pamahalaang Pilipinas sa bansang Mexico kaugnay ng pagtama ng magnitude 7.1 na lindol.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nakikidalamhati ang pamahalaang Pilipinas sa pamilya na namatayan dahil sa pagtama ng malakas na lindol sa Mexico City.
Ayon kay Abella nakatutok ang embassy officials sa Mexico para alamin ang kalagayan ng mga pinoy sa nasabing bansa.
Inihayag ni Abella na batay sa record ng Department of Foreign Affairs o DFA mayroong 263 Pinoy ang nasa Mexico 60 sa mga ito ay nasa Mexico City.
Ulat ni: Vic Somintac
Please follow and like us: