Malakanyang, nagulat sa pagdedeklarang Persona-non-grata si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa

Nabigla ang Malakanyang sa ginawang hakbang ng Kuwaiti government na idineklarang persona non grata si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakakagulat ang development ng mga pangyayari sa Kuwait.

Ayon kay Roque ang pagpapauwi ng Kuwait kay Ambassador Villa ay taliwas sa naging usapan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Ambassador ng Kuwait sa Pilipinas.

Ayon kay Roque sa ngayon pinag-aaralan pa ng Pilipinas kung ano ang susunod na hakbang.

Inihayag ni Roque sa kabila ng umiinit na sitwasyon sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait pangunahing prayoridad parin ng pamahalaang Pilipinas ang kaligtasan ng mga OFWs sa Kuwait.

Naging kumplikado ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait matapos magsagawa ng rescue operations ang mga embassy officials at personnel sa mga distress OFWS sa Kuwait na minamaltrato ng kanilang employer ng hindi ipinaalam sa Kuwaiti authorities na humantong sa paghahain ng diplomatic protest ng Kuwait laban sa Pilipinas.

Secretary Roque:

“Well, nag-isyu po ng statement si Secretary Cayetano. Eh nagulat po talaga ang lahat sa mga developments na ito, dahil mahusay po ang pag-uusap sa panig ng ating Presidente at ng Kuwaiti Ambassador; at sa panig po ng ating Secretary of Foreign Affairs at ng Kuwaiti Ambassador din kahapon ‘no. So, nagulat po tayo at ngayon po ang pinag-aaralan kung ano ang mangyayari.  Pero ang assurance lang po ng Presidente sa ating panglabas na relasyon, ang pangunahing concern po ng Presidente ay iyong kapakanan ng ating mga mamamayan, ng ating mga OFWs, dahil iyan naman po talaga ang ating misyon – na pagsilbihan ang ating 11 million na mga OFWs na nandiyan po sa buong mundo”.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *