Malakanyang, nais maibalik ang dating testing capacity ng mga laboratoryo sa Covid-19 cases
Natawagan ng pansin ang Malakanyang sa pagbaba ng naiuulat na kaso ng COVID 19 sa bansa.
Ito’y matapos aminin ng Department of Health (DOH) na ilang Covid- 19 laboratories ang hindi nakapagsumite ng kanilang testing result dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Rolly.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kailangang sa lalong madaling panahon ay maibalik ang testing capacity ng mga apektadong Covid-19 testing laboratories.
Ayon kay Roque ang pagsasagawa ng testing ang isa sa pinakamabisang paraan para matukoy at makontrol ang pagkalat ng kaso ng Covid- 19 sa bansa.
Inihayag ni Roque na sa umpisa ng laban sa COVID 19 noong buwan ng Pebrero ay tanging ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM ang may kapasidad na magsagawa ng Covid- 19 testing subalit sinikap ng pamahalaan na maragdagan ito at ngayon ay nasa 122 testing laboratories na ang naitatag sa buong kapuluan.
Vic Somintac