Malakanyang naka-monitor sa bagyong Amang

Tiniyak ng Malakanyang na nakahanda ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa Disaster Preparedness and Relief operations.

Sa gitna na rin ito ng patuloy na pagmomonitor mismo ng Malakanyang sa bagyong Amang na nag land fall na sa Siargao island.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo nasa 2 libo 5 daang mga family food packs na ang inihanda ng Social Welfare Department para sa mga posibleng maaapektuhang residente ng bagyo.

Nasa warehouse na ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Surigao City ang nabanggit na mga food packs.

Batay sa report na natatanggap ng Malakanyang mula sa NDRRMC, nasa 2 libo 6 na raan at 78 nang mga pamilya ang naging subject ng pre-emptive evacuation efforts partikular sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Masbate, Eastern Samar, Agusan del Norte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, and Surigao del Sur.

Kaugnay nito’y nananawagan ang Malacañang lalo na sa mga residenteng tatamaan ng bagyo na maging mapagmatyag at i-monitor ang pinakahuling  weather advisory at makipag-ugnayan sa mga local Disaster Risk Reduction ang Management Offices (DRRMO) para sa kaukulang aksiyon at kakailanganing tulong.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *