Malakanyang, nakatutok sa buong bansa sa pagpapalit ng Quarantine level kasabay ng pananalasa ng Bagyong Ambo
Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Ambo sa bansa bago ang transition phase ng mga lugar mula sa Enhanced Community Quarantine o ECQ nanawagan ang Malakanyang sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque manatiling vigilante at sundin ang mga kinauukulan na nagpapatupad ng disaster preparedness at response para tiyakin ang kaligtasan ng lahat.
Sinabi ni Roque lahat ng concerned agencies ay nakaalerto at naka stand by sa pamamagitan ng Oplan Listo na pinamumunuan ng Department of Interior and Local Government o DILG at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Inihayag ni Roque ang Malakanyang naman ay nakatutok sa buong bansa kasabay ng inaasahang pagpapalit ng quarantine level ng mga lugar mula sa ECQ patungong Modified ECQ at GCQ sa gitna na rin ng nararanasang sama ng panahon dulot ng bagyong Ambo.
Ulat ni Vic Somintac