Malakanyang nakatutok sa development ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal
Pinakilos na ng Malakanyang ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tutukan ang developments kaugnay ng pag-aalburuto na naman ng Bulkang Taal.
Sa statement na inilabas ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar pinangungunahan ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC katulong ang regional counterpart at mga Local Government Units o LGUs upang ipatupad ang kaukulang precautionary measures para maiwasan ang ibayong pinsala sa buhay at kabuhayan.
Sinabi ni Andanar maging ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ay nakaposisyon na ang Quick Response Team o QRT at nakahanda narin ang mga food at Non-food items na kakailanganin lalo na ng mga nasa evacuation centers.
Umapela naman ang Malakanyang sa mga apektadong residente na malapit sa Bulkang Taal na manatiling alerto at sumunod sa abiso ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.
Vic Somintac