Malakanyang nakatutok sa takbo ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa buong bansa
Nakamonitor ang Malakanyang sa takbo ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa kamay ng mga botante at ikapagtatagumpay ng Bbarangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Roque hindi dapat na ibenta ng mga botante ang kanilang boto sa mga tiwaling kandidato.
Inihayag ni Roque ang pagboto ay isang sagradong karapatan na ibinibigay ng batas upang makapghalal ng karapat dapat na manunungkulan sa gobyerno.
Umaasa naman ang malakanyang na hanggang sa maiproklama ang mga nanalong kandidato ay magiging payapa sa pangkalahatan ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ulat ni Vic Somintac