Malakanyang, nalungkot sa resulta ng SWS survey na 48 percent ng pamilyang Pinoy ang nagsabing naghirap sila ngayong taon
Hindi ikinatuwa ng Malakanyang ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS kung saan lumalabas na 48 percent ng pamilyang Pilipino ang nagsabi na naghirap sila ngayong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque epekto ito ng nagpapatuloy na mga Community Quarantine protocol dahil pa rin sa COVID 19 Pandemic.
Sinabi ni Roque sa oras na maging available na ang bakuna laban sa COVID-19 babalik na rin sa normal ang buhay at pamumuhay sa buong bansa.
Inihayag ni Roque ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang makakuha ng bakuna dahil ito lamang ang tutuldok sa pandemiya ng COVID 19.
Niliwanag ni Roque sa pagpasok ng taong 2021 ay dadagdagan pa ng pamahalaan ang operasyon ng mga negosyo upang tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa at magkaroon ng pagkakataon ang maraming mamamayan para makapaghanap buhay.
Vic Somintac